Home NATIONWIDE ‘Deep fake’ ni PBBM ibinabala ng PCO; AFP pinakikilos!

‘Deep fake’ ni PBBM ibinabala ng PCO; AFP pinakikilos!

MANILA, Philippines – NAGBABALA ang Malakanyang sa publiko laban sa isang video content sa social media na malinaw na nagmamanipula gamit ang “deepfake technology” para maipakita at palabasin na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagbibigay atas sa military na kumilos laban sa isang partikular na bansa.

Sa ipinalabas na kalatas ng Presidential Communications Office (PCO), pinasinungalingan nito ang ‘manipulated content’ na umingay at malaganap ngayon sa popular video streaming platform.

“The audio deepfake attempts to make it appear as if the President has directed our Armed Forces of the Philippines (AFP) to act against a particular foreign country,” ayon sa PCO.

“No such directive exists nor has been made. Deepfakes are an advanced form of digital content manipulation through the use of generative Artificial Intelligence (AI).” ang sinabi pa rin ng PCO.

Tinukoy ang Media and Information Literacy Campaign nito, winika ng PCO na aktibong tinatrabaho nito ang mga hakbang para labanan ang “fake news, misinformation, disinformation, at malinformation.”

Mahigpit din itong nakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at private sector partners para tugunan ang paglaganap at malisyosong paggamit ng video at audio deepfakes at iba pang mabungang AI content.

Hinikayat din nito ang publiko na sumama sa paglaban sa fake news at maging responsable na social media users.

“Let us all be more vigilant against such manipulated digital content that are deployed by actors to propagate malicious content online and advance a malign influence agenda,” ayon sa PCO.

“We encourage everyone to work with us in fostering a more aware, resilient, and engaged citizenry in our digital commons,” ang tinuran pa rin nito. Kris Jose