Home NATIONWIDE ASF vax bibilhin na; rollout sa Hunyo

ASF vax bibilhin na; rollout sa Hunyo

MANILA, Philippines – KASALUKUYAN nang pinoproseso ng pamahalaan ang pagbili ng African swine fever (ASF) vaccines at target na i- roll out ang immunization shots sa Hunyo o Hulyo.

“Namimili tayo… Magro-roll out na ng bakuna, siguro Hunyo o Hulyo, mailabas na namin. Dahil hinihintay pa natin ‘yung production ng bakuna sa Vietnam, doon tayo kumukuha at sila ang nakapag develop ng vaccine para sa swine flu,” ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang town hall consultation kasama ang mga magsasaka at mangingisda sa San Jose, Occidental Mindoro.

Nakikipagpambuno kasi ang bansa sa ASF simula nang makumpirma noong 2019 ang first outbreak ng animal disease.

Dahil sa ASF, nagresulta ito ng pagbabawas sa domestic hog population, sanhi ng karupukan sa pork market sa bansa.

Noong nakaraang taon, inirekumenda ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry ang AVAC vaccine mula Vietnam para sa pagpapalabas ng certificate of product registration mula sa Food and Drug Administration kasunod ng positibong resulta ng ginawa nitong trial sa Luzon.

Ang testing ay ginawa sa anim na lugar sa Luzon mula Marso hanggang Mayo 2023, mayroontg 100-percent production ng antibodies at walang naiulat n side effects sa ‘four- to 10-week-old’ na baboy. Kris Jose