Home METRO Mag-live-in hinoldap, patay!

Mag-live-in hinoldap, patay!

CAVITE, Philippines – Pinatay matapos na holdapin ang isang mag-live-in partner matapos na pagbabarilin ng hindi pa matukoy na mga suspek habang namimili sa palengke sa Brgy Molino 3 Bacoor City.

Kinilala ang mga biktima na sina Elvie, 46-anyos at kinakasama nitong si Rey, 54-anyos kapwa negosyante at residente ng Town and Country West, Brgy. Molino 3, ng nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan sakay umano ang mga biktima ng kanilang tricycle patungo sa Zapote market upang mamili.

Habang binabaybay ang kalsada ng Zaragosa St., ay bigla umanong hinarang ang mga biktima ng mga armadong suspek at mabilis na pinagbabaril ang mga ito.

Lumalabas na holdap ang motibo sa pamamaril dahil nawawala umano ang bag ng mga biktima na may lamang P40,000.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga suspek. Margie Bautista