MANILA, Philippines – Naglabas ng babala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban sa disinformation na kumakalat sa social media na nagpapakita umano kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagpo-promote ng online trading platform.
Sa isang pahayag, sinabi ng CICC na ang video ay na-upload sa Facebook ng isang page na pinangalanang ‘Inquirer PH Insider’ ngunit orihinal na inooperate sa ilalim ng pangalang ‘Deborah Webb.’
Ang isang technical review ay nagpakita na ito ay gumamit ng deepfake na teknolohiya at AI (artificial intelligence)-based na pagmamanipula upang gayahin ang pag-endorso ni Marcos.
Sa ngayon, ang orihinal na video ay inalis na sa Facebook matapos ang koordinasyon sa social media platform.
Patuloy na sinusubaybayan ng ahensya ang ganitong uri ng pagbabanta at hinihimok ang publiko na maging kritikal sa pagsusuri ng mga lumalabas sa mga online advertisement — lalo na ang mga kinasasangkutan ng mga pampublikong opisyal, exaggerated na mga pangako, o hindi nabe-verify na mga platform. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)