Home NATIONWIDE Tsino nasakote ng HPG; luxury car, tobats, armas nasamsam

Tsino nasakote ng HPG; luxury car, tobats, armas nasamsam

151
0

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang nasakote ng Highway Patrol Group Region 3 sa isang entrapment operation sa bahagi ng Brgy. 674, Paco, Maynila noong Miyerkules ng gabi.

Narekober mula sa dayuhan ang isang luxury car at isang SUV na pinaniniwalaang galing sa carnap.

Nadiskubre rin ang ilang hinihinalang iligal na droga, armas, at ilang bala ng baril nang halughugin ng mga awtoridad ang kotse.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, miyembro umano ang nahuling Chinese national ng isang malaking Chinese triad na sangkot sa ilegal na armas at droga.

Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng pulisya ang buong pagkakakilanlan ng naarestong dayuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here