Home NATIONWIDE Defense team lineup ni Digong nadagdagan – ICC Registry

Defense team lineup ni Digong nadagdagan – ICC Registry

MANILA, Philippines- Inilabas ng International Criminal Court (ICC) ang pangalan ng isa pang abogadong magiging bahagi ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang kaso sa korte.

Base sa ICC document na may petsang April 7, itinalaga si Atty. Dov Jacobs bilang associate counsel ni Duterte. 

Pinangungunahan ni Atty. Nicholas Kaufman, humiling noong April 2 na umasisti si Jacobs bilang associate counsel, ang defense team ng dating presidente, base sa ICC.

Noong April 3, kinumpirma ng ICC Registry ang appointment ni Jacobs.

“There are many Filipino lawyers who want to help and are helping, at the goodness of their hearts, many talented Filipino lawyers,” pahayag ni Kaufman.

Nauna nang kinatawan ni dating executive secretary Atty. Salvador Medialdea ang dating Pangulo sa inisyal na pagharap ng huli sa pagdinig noong March 14. RNT/SA