Home HOME BANNER STORY Degamo slay suspects patuloy sa pagbaligtad

Degamo slay suspects patuloy sa pagbaligtad

MANILA, Philippines – Sa preliminary investigation ng Department of Justice o DOJ ngayong Lunes (July 4), sinabi ni Atty. Andres Manuel, isa sa parte ng legal team ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., na naghain ng “affidavit of recantation” ang lima pang suspek sa kaso.

Ang naturang respondents ay dumalo lamang sa PI “via online”, at pinasumpuaan sa DOJ panel of prosecutors ang kanilang statements.

Ayon pa kay Manuel, maghahain sila ng Motion for Reconsideration o MR, makaraang ibasura ng DOJ panel of prosecutors ang “motion to inhibit” ng kampo ni Teves.

Maalala na gusto nila na mag-inhibit ang buong DOJ sa imbestigasyon sa Degamo murder, at sa halip ay i-refer daw sa Office of the Ombudsman dahil sa hindi umano patas na paghawak at pagtrato ng DOJ sa kaso.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na wala nang magiging bigat ang reklamo laban sa mambabatas, dahil sa pag-recant o pagbawi ng mga suspek sa kanilang testominya.

Ayon kay Topacio, “magic” na lamang kung maisasampa pa sa korte ang reklamo laban kay Teves, lalo kung walang tetestigo.

Samantala, dumating din sa PI ang ilang kaanak ng mga biktima na dismayado sa pag-atras ng salaysay ng mga suspek.

Anila, umamin at nag-sorry na nga noon. Pero biglang bumaligtad na sadyang nakakaduda.

Ang susunod na PI ay isasagawa sa July 17, 2023. Teresa Tavares