Home METRO Sauna lumiyab sa hotel sa Malate; 700 katao lumikas

Sauna lumiyab sa hotel sa Malate; 700 katao lumikas

415
0

MANILA, Philippines – Mahigit 700 empleyado at guests ang pansamantalang inilikas sa isang hotel sa Malate, Maynila nang sumiklab ang sunog nitong Linggo ng umaga.

Base sa ulat ng Manila Police District (MPD) Ermita Police Station (PS5), nagsimula ang sunog pasado alas 8 ng umaga at naapula alas 9:21 ng umaga.

Kabilang sa mga inilikas ang 153 empleyado at 642 guests (471 foreigners, at 171 locals).

Agad din namang nakabalik sa hotel ang mga inilikas matapos ideklarang fire out ang sunog ng Bureau of Fire Protection o BFP.

Gayunman, dalawang indibidwal ang nasaktan sa insidente kabilang ang isang 44 anyos na ginang na namaga ang paa at isang lalaki na nakalanghap ng usok.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), nasunog ang ikalawang palapag ng hotel na matatagpuan sa Roxas Boulevard, kanto ng J. Quintos Street sa Malate, Maynila.

Ayon naman sa MPD PS 5, nagmula ang sunog sa sauna machine na nasa ikalawang palapag ng hotel.

Iniimbestigahan pa ang halaga ng pinsala at sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here