Home NATIONWIDE Deklarasyon ng Hulyo 12 bilang ‘West Philippine Sea Day’ inihirit

Deklarasyon ng Hulyo 12 bilang ‘West Philippine Sea Day’ inihirit

108
0

MANILA, Philippines- Iginiit ng Atin Ito advocates ang panawagang ideklara ang Hulyo 12 na “West Philippine Sea (WPS) Day” kasabay ng paggunita sa ika-walong anibersaryo ng arbitral victory laban sa China sa The Hague.

Ipinanawagan ito ng Atin Ito sa isang programa na isinagawa sa Boy Scouts Circle sa Quezon City.

Sinabi ni Atin Ito co-convenor at Akbayan President Rafaela David na walong taon na ang napakahalagang tagumpay ng bansa sa internasyonal na yugto.

Sinabi ng grupo, sa pamamagitan ng pagdedeklara sa Hulyo 12 ng bawat taon bilang “West Philippine Sea Day,” pinalalakas ang sama-samang paggunita ng mga Pilipino.

Inihain ni Senator Risa Hontiveros noong nakaraang taon ang Senate Resolution na nanawagan para sa annual declaration ng Hulyo 12 bilang “National WPS Day” sa pangangatwirang ang naturang deklarasyon ay magpapahina sa mga huwad na pag-angkin ng China sa teritoryo ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here