Isang runner mula sa Lapu-Lapu City ang nakakuha ng unang gintong medalya sa 2024 Palarong Pambansa.
Nanalo ang Asia Paraase ng Pajo National High School sa unang ginto ng national meet noong Huwebes nang siya ang namuno sa 3000m event sa athletics.
“Masaya po ako kasi pride na rin po ito ng Central Visayas. Payback na rin po para sa preparation nila. Masaya rin po kasi hindi lang po kasi ito para sa akin kundi pati na rin po sa teammates ko,” ani Paraase.
“Dine-dedicate ko po ito sa sarili ko. Ang dami pong challenges na hinarap, nawawalan na rin po ako ng pag-asa sa sarili ko,” wika nito.
“Ang saya ko po dahil nagagawa ko ng paraan para hindi ako kainin ng kaba at takot.”
Base sa ulat, nangunguna ang National Capital Region sa kabuuang medal tally na may walong gintong medalya, pitong pilak, at anim na tanso.