Home METRO 2 timbog sa P10.8M ilegal na droga

2 timbog sa P10.8M ilegal na droga

131
0

MANILA, Philippines- Nakuhanan ang dalawnag drug suspects ng halos P11 milyong halaga ng ilegal na droga sa Pasay City nitong Biyernes.

Sa ulat, sinabi ni Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) chief Brig. Gen. Eleazar Matta na nadakip ang mga suspek na sina Enrico Carlo Acacio, 23 at Crizalyn Mendoza, 29, sa isang buy-bust operation sa Barangay 201 ng lungsod bandang alas-2:30 ng madaling araw.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang 1.04 kg. ng shabu na may estimated street value na P7.07 milyon, 620 gramo ng ketamine na nagkakahalaga ng P3.1 milyon, 70 gramo ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P105,000, 33 piraso ng liquid marijuana-filled disposable cigarettes na nagkakahalaga ng P65,500, 20 gramo ng liquid ketamine na nagkakahalaga ng P100,000, 170 ampules ng nitrous oxide na kilala bilang laughing gas na nagkakahalaga ng P170,000 at 132 piraso ng assorted ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P198,000.

Nasabat din mula sa mga suspek  .40-caliber Glock pistol na may magazine at ammunition, iba’t ibang packaging materials, at digital weighing scale.

Dinala ang mga suspek sa Special Operations Unit-National Capital Region Office ng PDEG at mahaharap sa mga kasong paglabag sa  Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itinurn-over naman ang mga ebidensya sa PNP Forensic Group sa Camp Crame sa Quezon City.

“This operation underscores our unwavering commitment to eliminating illegal drugs from our communities. The seamless coordination and determined efforts of our law enforcement agencies have once again proven effective in bringing drug offenders to justice,” giit ni Matta. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here