Home METRO Deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security sa Quezon ginunita kasabay ng...

Deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security sa Quezon ginunita kasabay ng Independence Day

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ginunita rin ang unang anibersaryo ng pagkakadeklara ng SIPS o Stable Internal Peace and Security sa buong lalawigan ng Quezon.

Pinangunahan ni Quezon Governor Angelina “Helen” Tan ang makasaysayan at makabuluhang pagdiriwang kasama ang mga lokal na opisyal ng lalawigan at ng Region 4A kabilang ang hanay ng kapulisan at kasundaluhan.

Sa ibinigay na mensahe ni Gov. Tan, nagpaabot ito ng pasasalamat sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin sa bumubuo ng Quezon Provincial Peace and Order Council maging sa mga kawani ng pamahalaan na naging kaagapay ng pamahalaang panlalawigan sa paglaban mula sa mga banta ng mga taong labas.

Inilahad nito ang lahat ng ginagawang hakbangin ng pamahalaang panlalawigan para mapanatili ang seguridad sa anumang banta ng kaguluhan.

Aniya malaking hamon sa kanyang pamunuan ang usapin na may kinalaman sa peace and order situation ng lalawigan.

Sinabi nito, kung tahimik at payapa ang lugar, lalong dadami ang mamumuhunang mga negosyante na hindi kailanman makararamdam ng anumang pagkabahala at takot sa banta ng mga rebelde.

“if you are serious enough as a leader, you will take it by heart na matupad ang pangarap mo na sana ay walang nagpapatayan, walang magagahasa , walang buhay na nagbubuwis sa ating kasundaluhan , sa ating kapulisan maging sa ating mamamayan.” paliwagan ng gobernadora.

“ Dahil sa guidance ng army at pnp and all law enforcement agencies ,ang dami nating gustong magawa at gawin, some of them nagawa po natin at marami pa tayong gagawin.”

“Ang mensahe ko is not to report but more of a challenge to all of us,ang pagmamahal ko po sa ating lalawigan sa pamamagitan ng mga bagay na atin pong itinutulak is to address poverty.”

“We craft and create, we implement programs that really address the needs of the people. IIsa ang sinasabi ng ating mamamayan, “trabaho, kabuhayan, hanapbuhay.Ibig sabihin, kahirapan ang kanilang idinadaing.”

Hiniling ng gobernadora sa mga lokal na pamahalaan, mga ahensiya ng gobyerno, at iba pang sektor na maging katuwang sa pagbibigay ng mga programa at proyekto na makapagtataas ng buhay ng maraming residente.

Aniya, kapag ang lahat ay nagkakaisa,matutugunan natin ng solusyon ang laban na ating sinimulan sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayaan ng buong lalawigan kasabay na rin aniya ng pagtumbok sa mga programang tutugon sa kahirapan.

“We wanted to strengthen and expand the community based programs.”

“Para sa araw po ng kapayapaan, hindi lamang po ito mere declarations, it calls for an action.Para po sa inyo, magbalikatan po tayo, magsama-sama kapalit ay kaunlaran ng ating lalawigan.”

Samantala, naibigay rin sa ginanap na programa ang awarding ceremony ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) para sa mga kalalawigan nating nagbalik-loob. Kabilang na ang karinderya package na magsisilbing tulong para sa kanilang muling pagsisimula.

Nakatanggap naman ng pagkilala at plake o SIPS seal ang mga Local Government Units (LGUs), at sama-samang nagpalipad ng kalapati ang bawat kawani mula sa lokal at nasyonal pamahaalanan na dumalo bilang simbolo ng kapayapaan sa lalawigan ng Quezon. RNT