Home NATIONWIDE PBBM nagpaalam na sa nagretirong si Italian Ambassador Clemente

PBBM nagpaalam na sa nagretirong si Italian Ambassador Clemente

MANILA, Philippines – Opisyal na nagpaalam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente sa farewell call nito sa Malakanyang nitong Martes, Hunyo 11.

Sa pahayag, sinabi ni Marcos na nalulungkot siya tuwing may diplomat na umaalis ng bansa dahil sa pagkakaibigan na nabuo na sa pagitan niya at ng mga ito.

“We are happy for the time that you were able to spend here… Especially considering how important Italy is to the Philippines, considering that one of the first European countries who were really—there was a large immigrant population from the Philippines, working population, OFWs, was Italy,” ani Marcos.

Nagpasalamat naman si Clemente kay Marcos at sa pamahalaan para sa kanilang mainit na pagtanggap sa kanyang tatlong taong pamamalagi at sinabing pinili rin niyang tapusin ang kanyang career dito sa Pilipinas.

“I did something which for me was a sign of love for this country. I did something, which is very unusual for my colleagues, I decided to end a career here. Normally, people go back to the ministry to stay there for some months,” sinabi pa ni Clemente.

Si Clemente ay naging Ambassador of the Italian Republic to the Philippines noong 2021. RNT/JGC