Home ENTERTAINMENT Demanda vs Cristy, inurong na nina Sharon at Kiko!

Demanda vs Cristy, inurong na nina Sharon at Kiko!

232
0

Manila, Philippines – Maluwag nang nakakahinga ngayon si Cristy Fermin.

Ito’y matapos iurong ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan ang isinampa nilang cyber libel case laban sa beteranong mamamahayag.

Ipinost din ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account ang pagkikita ng mga partido sa korte.

Bago rito’y nagpahayag na ng public apology si Cristy sa kanyang YouTube channel para sa mag-asawa.

Sabi nga ni Cristy, “Kung nakakapanakit tayo ng damdamin, marunong din tayo dapat humingi ng tawad.”

Puwede naman din daw idaan sa mahinahong pag-uusap ang mga bagay.

Matatandaang noong isang taon ay nagsampa ang nasabing couple ng cyber libel case laban kay Cristy.

Kasabay din ito ng iba pang ikinaso kay Cristy ng ina ni Sarah Lahbati.

Inaasahang mahihilot din ang ibang kaso ni Cristy.

Sa kaso ni Sharon, hindi na ito bago kay Cristy.

Ayon sa kuwento niya noon, idinemanda o nagbantang idedemanda siya ng kampo ng Megastar nang iulat niyang buntis ito kay Gabby Concepcion who would later become her husband.

Tulad ng alam ng marami, si KC Concepcion ang naging supling nila. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here