Home NATIONWIDE Dengue cases sa Pinas bumaba ng 30% – DOH

Dengue cases sa Pinas bumaba ng 30% – DOH

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Health (DOH) ang bahagyang pagbaba sa bilang ng kaso ng Dengue sa buong bansa, kung saan mas madalas na ang pag-ulan bago pa man opisyal na ideklara ang tag-ulan.

Bumaba ang bilang ng kaso mula 5,380 noong Marso 24 hanggang Abril 6 sa 5,211 noong Abril 7 hanggang Abril 20.

Mas malaki ang pagbaba, na humigit-kumulang 30%, kung isasaalang-alang ang panahon ng Abril 21 hanggang Mayo 4, kung saan 3,634 na kaso lamang ang naitala.

Ang DOH ay maingat sa interpretasyong ito dahil maaaring magbago ang mga bilang ng kaso sa mga huling ulat na dumating. Mula sa simula ng taon hanggang Mayo 4, 59,267 na kaso ng Dengue ang naitala, na may 164 na pagkamatay.

Ayon sa DOH, ang mabuting paraan upang maiwasan ang dengue ay iwasang makagat ng lamok lalo na sa araw.

“Kill mosquitoes so that the dengue they bring will not kill you. This early, before the full swing of the rainy season, families and communities should search and destroy mosquito breeding sites – anywhere or anything where water can accumulate and stay still,” sinabi ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

Ipinayo rin ng DOH ang pagsasagawa ng self-protective measures tulad ng pagsusuot ng long sleeves at pants o paglalagay ng mosquito repellent lotions at sprays.

Agad ding magpakonsulta sa anumang sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, muscle at joint pains, nausea, at rashes.

“Say yes to fogging where needed, and Start and sustain proper hydration for patients,” ayon pa sa DOH.

“As the season turns from dry to wet, Dengue is something we must not forget. We brought cases down because of intense public awareness and close community action. Let us keep it that way,” paalala naman ni Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden