Home ENTERTAINMENT Denise Esteban, napalakas ang ungol, pinagbawalan!

Denise Esteban, napalakas ang ungol, pinagbawalan!

Screenshot

Manila, Philippines – Isa si Denise Esteban sa mga artistang kasama sa latest offering ng Vivamax, ang Stag.

Kasama rin niya sa pelikula sina Arah Alonzo, Aerol Carmelo at Gold Aceron.

Maiinit ang mga sex scenes nina Denise at Aerol sa Stag at aminado ang una na napalakas ang kanyang ungol.

Dahil dito ay napilitan ang direktor na si Jon Red na pagsabihan siya na wag masyadong i-exag ang kanyang pag-ungol sa sex scenes.

“Sinabihan lang ako ni Direk na bawasan ang pag-ungol ko sa sex scenes namin ni Aerol.

“Sa totoong buhay naman kasi, hndi naman ako maingay kahit wild ako sa sex,” natatawa pa niyang sabi.

Hindi kaya siya nadala sa init ng eksena kaya siya napaungol ng malakas?

“Hindi naman ako nadala sa eksena, alam ko naman na acting lang ‘yun,” depensa niya.

Binanggit din ni Denise na sobra siyajg iningatan ni Direk sa shoot. Nirespeto rin daw ni Direk at ng kanyang leading man ang mga bagay na pinagbabawal niya sa eksena.

“Naingatan ako at hindi ko na-feel na nabastos ako.

“Ang limitation ko lang naman, e, bawal hawakan ang dyoging ko. Pwede naman gawin lahat ‘wag lang ‘yun hawakan,” sabi pa niya.

Since napag-usapan ang stag party sa nasabing mediacon, tinanong si Denise kung papayag ba siyang maging regalo sa groom bago ito ikasal.

Ang stag party ay isang literal na party na ginagawa para sa groom, na may mga babaeng sumasayaw ng sexy dance na pwedeng galawin.

“Depende kung aabot ng P100M ang bayad,” sabi niya na hindi malaman kung biro o totoo.

Pero papayag ba siya na magkaroon ng stag party ang kanyang would-be husband in the future?

“Hindi ako papayag na mag-stag party ang mapapangasawa ko. Kung gusto niya ako na lang, sasayawan ko siya.

“Para sa akin walang advantage ang stag party kasi may mga babae dyan so mas pipiliin mo na mag cheat bago ikasal? Hindi ako pabor diyan,” ang seryoso niyang tugon.

Ang Stag ay streaming na sa Vivamax app on April 5, 2024. JP Ignacio

Previous articleNetizens kinilig sa pagpunta ni Alden sa bday ni Kath
Next articleJilian, kinabog ang Kapuso stars sa FB followers!