Home ENTERTAINMENT Netizens kinilig sa pagpunta ni Alden sa bday ni Kath

Netizens kinilig sa pagpunta ni Alden sa bday ni Kath

Manila, Philippines – “Nakipagkumpitensya” sa pagiging trending topic sa X (dating Twitter) ang pahabol na selebrasyon ng kaarawan ni Kathryn Bernardo.

Ginanap ang pagtitipon sa TGIS Studio sa Quezon City owned by Kathryn.

Supposedly, the event was intended for those na hindi nakasama when Kathryn–now 28–celebrated her birthday on a yacht in Palawan.

Viral nga ang kumalat na video ng pahabol na party na “lumaban” pa sa lindol sa Taiwan na nagtala ng 7.4 magnitude.

Mapapansing ikinagulat ni Kathryn ang pagdating ni Alden Richards na present din naman sa Palawan.

May dala itong gift na nakalagay sa paper bag at bouquet of Ecuadorian roses.

Interestingly, ang mga naroong supporters ng aktres were a mix of KathNiel and KathDen.

Lalo pang ikinakilig ng mga netizens ang video kung saan nakayakap si Alden kay Kathryn.

Advance promo na nga ba ‘yon ng gagawin nilang sequel ng Hello. Love. Goodbye?

For now, wala pang malinaw na balita when filming of HLG will start.

Kapwa kasi busy pa sa kani-kanilang commitments ang mga bida ng pelikula.

Kathryn is scheduled to shoot for the film Elena 1944 while Alden ay abala sa taping ng Pulang Araw sa GMA.

Mukhang what a coincidence, ang nasabing pelikula at serye respectively ay tumatalakay sa parehong panahon ng ating kasaysayan.

Samantala, nagbigay ng hint o pahimakas si Cristy Fermin tungkol umano sa aktor na itinatangi ng puso ni Kathryn (who was recently quoted to have said na “healed” na raw siya).

Through the process of elimination: hindi raw si Alden ‘yon!

Kung ganoon, sino? Ronnie Carrasco III