Home ENTERTAINMENT Denise, inindyan ng ka-collab!

Denise, inindyan ng ka-collab!

Manila, Philippines – Dati nang naging isyu noon ang pag-ayaw na maka-collab ng isang socmed personality sa actress turned public servant na si Aiko Melendez.

Ngayon naman, ang pinakahuling biktima ay ang actress na si Denise Laurel.

Sa isang TikTok video, naghimutok si Denise dahil umatras daw ang kausap niyang makaka-collab na hindi naman niya pinangalanan.

Hirit pa niya, pinaghandaan pa naman daw niya ang nabanggit na collab to the point na gumastos na siya sa production team at makeup artist upang sa last minute ay ipakakansela ito.

Hinaing niya: “Conceptualizing, clearing my schedule, calling my prod team, getting my make up done, only to get cancelled on right before the collab.”

Marami naman ang naka-relate sa hirap na pinagdaanan ng aktres.

May nagsuhestyon pa na dapat daw ay may kontrata ang ganoong mga klase ng collaboration.

Sey naman niya, simpleng collaboration lang daw ang kanyang naunsyaming deal.

May nang-urot naman sa kanya kung ang tinutukoy niyang ka-collab ay ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Nilinaw naman ni Denise na hindi ang dalawa ang umatras sa collab dahil hindi raw local artist ang kausap niya.

May mga humula namang ang itinuturong culprit ng actress ay posibleng isang K pop artist o group. Archie Liao