Home ENTERTAINMENT Dennis, binati ng HBD nina Julia at Leon, tuwang-tuwa!

Dennis, binati ng HBD nina Julia at Leon, tuwang-tuwa!

Manila, Philippines- Walang pagsidlan ang kagalakan ni Dennis Padilla nang batiin siya ng happy birthday ng kanyang mga anak.

Idinaan nina Julia at Leon Barretto ang kanilang birthday greeting sa kanilang ama through private message.

Dennis turned 63 nitong February 9.

Sina Julia at Leon ay mga anak ni Dennis kay Marjorie Barretto.

Mapapansing tanging si Claudia lang ang hindi bumati sa ama.

Namumutiktik ng “i love you, papa!” ang mga respective greetings ng dalawang anak, na sinagot din ni Dennis ng “I love ypu, too!”

Nagyaya pa si Dennis ng dinner kapag may libreng time ang mga anak.

Ibinahagi naman ni Dennis ang screen shot ng mga ito sa kanyang Instagram account.

‘Yun nga lang, hati ang opinyon ng mga netizens.

Ayon sa ilan, hindi na raw sana ginawa ‘yon ni Dennis dahil unang-una, private message ‘yon.

Baka rin daw pagmulan na naman ‘yon ng isyu sa mga anak niya na nakatampuhan niya noon.

But from a parent’s perspective, nauunawaan nila si Dennis sa sobrang tuwa na nararamdaman nito na naalala siya ng kanyang mga anak.

In his words to Julia: “Thanks for remembering me…” Ronnie Carrasco III