Home ENTERTAINMENT Dennis, di na nag-eexpect sa mga anak!

Dennis, di na nag-eexpect sa mga anak!

Manila, Philippines- Dumating na sa tinatawag na saturation point si Dennis Padilla as far as his relationship with his kids with Marjorie Barretto is concerned.

The former couple have three kids–Julia, Claudia and Leon.

To this day, apparently ay hindi pa ganap na maayos ang kanilang relasyon.

Binanggit kasi ni Dennis ang kawalan ng reaksyon ng mga ito nang bumati ng Merry Christmas last year.

Even his New Year greeting has not been answered.

Pero tapos na raw ang mga panahong umaasa pa siya.

Nakaka-disappoint lang daw that his expectations are not met: “Nasanay na ako!”

Sa ngayon, Dennis would rather focus on his showbiz work.

Sa katunayan, reunited siya with Robin Padilla via Bad Boy 3.

Si Dennis ang lumabas sa previous parts nito although may twist daw sa kuwento na dapat abangan.

Kung Muslim si Robin sa totoong buhay, he plays a Christian pastor here.

Samantala, isang Muslim na barangay captain ang papel ni Dennis.

Ang six-episode na Bad Boy 3 is being helmed by Robin, na dapat abangan sa Netflix. Ronnie Carrasco III