Manila, Philippines- Nakahanap ng kakampi si Mark Herras sa isyung pagsasayaw nito sa isang gay bar.
Ito’y sa katauhan ni dating Comelec chief Rowena Guanzon.
Ayon sa abogada known for speaking her mind: “Eh, ano kung sumayaw si Mark sa gay bar?
Honest money ‘yan! Ang banatan n’yo, mga kawatan sa gobyerno!”
Going over the comments, lahat doon ay sumang-ayon kay Guanzon.
Ipinagtataka nga ng iba na pag artista daw ang involved ay ang taas ng standards ng tao.
Pero pagdating sa mga public officials ay hindi man lang kinikilatis ang mga ito.
Lumikha ng ingay ang makalawang beses na pagsasayaw ni Mark sa Apollo bar sa Roxas Blvd.
Nagtanghal siya nitong January 10 at 31.
Pero nilinaw ni Mark na hiphop ang kanyang sinayaw–hindi macho dancing.
At lalong hindi naghubad.
Umaasa ang ibang netizens na matulungan si Mark ng kanyang mga kapwa artista most especially ‘yung mga nanunungkulan sa puwesto.
Nanghihinayang ang mga ito dahil in fairness ay mahusay namang artista ang unang Male Ultimate winner ng Starstruck, ang artista search noon sa GMA. Ronnie Carrasco III