Home ENTERTAINMENT Dennis, may hanash na naman sa mga anak!

Dennis, may hanash na naman sa mga anak!

108
0

Manila, Philippines – Parang vicious cycle nang matatawag ang “pag-e-emote” na namang muli ni Dennis Padilla sa social media.

As usual, malinaw na patungkol ‘yon sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto–sina Julia, Claudia at Leon.

Obyus naman kasi ang tagos-sa-pusong post ni Dennis sa kanyang Instagram wall, at very timely pa, ha?

Madamdaming post ng komedyante: “Parents don’t need tears from his children when they die. They need hugs, laughter, love and care while they’re still alive. Life is short!”

Mabuti’t may naligaw na comment ng isang netizen na nauunawaan kung saan nanggagaling ang sentimyento ni Dennis.

Sey nito, posibleng time heals all wounds na raw.

It’s just that nasa proseso pa raw ang kanyang mga anak na nais nilang magkaroon ng peace of mind.

Hindi naman daw kasi birong makamtan ang kapayapaan ng pag-iisip.

Pinayuhan ng netizen na huwag mainip si Dennis kundi dagdagan pa ang pasensya nito.

Positibo ang netizen na pasasaan din daw ba’t magri-reach out din sa kanya ang tatlong anak niya.

Dennis just has to patiently wait for the right time.

Sa bandang hull ay lalo pang pinalakas ng netizen ang loob ng komedyante sa pagsasabing sinasaluduhan daw niya ito bilang isang mapagmahal na ama.

‘Yung iba namang netizen ay duda sa hanash ni Dennis na nakikiuso raw sa mag-inang Angelica at Carlos Yulo to get social media attention as well. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here