MANILA, Philippines- Walang natukoy na banta ng tsunami ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bansa kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Sea of Okhotsk nitong Sabado.
Sa abiso, binanggit ng Phivolcs na niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Sea of Okhotsk, matatagpuan sa pagitan ng Russia at Japan, ng alas-11:28 ng umaga.
“No destructive tsunami threat exists based on available data,”pahayag ng Phivolcs. “No action [is] required,” dagdag nito. RNT/SA