Home NATIONWIDE Chinese research vessel namataang umaaligid sa Recto Bank

Chinese research vessel namataang umaaligid sa Recto Bank

MANILA, Philippines- Isang Chinese research vessel ang namataan sa Recto Bank (Reed Bank), sinabi ng isang independent monitor nitong Biyernes, kasunod ng ilang araw na pagglugad nito sa mga reef at shoals sa kanluran ng Palawan.

Sinabi ng retiradong opisyal ng U.S. Air force na si Ray Powell, na ang barko na ang 74-metrong Ke Xue San Hao ay pumasok sa timog na bahagi ng Recto Bank alas-10:30 ng gabi noong Huwebes.

Kilala rin ang Recto Bank bilang Reed Bank, isang underwater reef formation na pinaniniwalaang naglalaman ng malalaking reserba ng langis at natural gas na matatagpuan 85 nautical miles mula sa Palawan.

Bagama’t nasa loob ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas, hindi nagawang samantalahin ng Manila ang resources ng Recto Bank dahil sa alitan nito sa Beijing.

Sinabi ni Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, ang presensya ng Ke Xue San Hao sa karagatan ng Pilipinas ay kaduda-duda dahil ito ay naobserbahang naglalakbay sa zigzag pattern.

“Kumbaga sa barangay natin, kapag ang tao paali-aigid, may masamang intensyon iyon. Kung napadaan ka lang, [dapat] tuloy-tuloy ka lang,” paliwanag ni Trinidad.

Sinabi ni Trinidad na maaari lamang masubaybayan ng Manila ang presensya ng mga dayuhang barko sa West Philippine Sea, ngunit ang Philippine Navy, ang Philippine Coast Guard at ang Department of Foreign Affairs ay nakikipag-ugnayan tungkol sa Chinese research vessel.

Aniya, ayaw nilang palakihin ang sitwasyon.

“The Ke Xue San Hao, designed by the Marine Design and Research Institute of China and constructed by Wuchang Shipbuilding Industry Co., is equipped with advanced technology that enables comprehensive marine environment observation, detection, sampling, and analysis,” ayon kay Commodore Jay Tarriela ng PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden