Manila, Philippines – May hatid na aliw factor ang latest paandar ni Dennis Trillo sa social media.
Nawiwili nga ang binansagang Drama King ng GMA kasusuot ng crop top.
At dahil nga balitang nag-“panic buying” ito ng sangkaterbang crop top, he’s seen wearing this sa araw-araw yata na ginawa ng Diyos.
Ang latest, iba na namang crop top ang suot niya together with two companions.
Nilakipan niya ito ng caption na: “Hello, mga Kapusod!”
O, ‘di ba, how witty?
Pero hindi ‘yon pinaligtas ng misis ni Dennis na si Jennylyn Mercado.
Post nito: “Hinalungkat mo na naman ang closet ko…isoli mo na ‘yan!”
Sagot naman ng aktor: “Hiniram ko lang naman!”
As usual, maraming netizens ang naaliw sa “gimik” ni Dennis maliban sa isa na bagama’t bet niyang nakasuot ito ng midriff ay naninindig ang balahibo nito.
Anito: “Tigilan mo na ang pagsusuot ng midriff!”
Tugon naman ni Dennis sa tonong pagsakay sa biro: “Sorry po, nakabili na ako ng marami!”
Mukhang hanggang uso’y hindi mauubusan ng isusuot na crop top si Dennis! Ronnie Carrasco III