Manila, Philippines- Drama actor na pasok din sa banga bilang komedyante!
Ito ang peg ng award-winning actor na si Dennis Trillo.
Kung titingnan mo’y parang dedma o walang pakialam lang si Dennis sa mga kaganapan sa bansa.
Pero sorry, the Kapuso actor is very much “socially woke.”
Umani ng sandamakmak na positibong reaksyon ang Facebook post ni Dennis.
Post niya: “Done na pong magbayad ng tax nư’ng isang araw. Puwede n’yo nang nakawin ulit!”
Nagsilbing paanyaya ‘yon para makilahok ang mga netizens who just as socially woke.
Sey ng isa: “No need to remind. Matic na po ‘yan!”
Still another netizen replied: “Binusog mo na naman ang mga senador at contractor!”
Hirit pa ng isa: “Thank you po!–a nepo baby.”
Hindi rin nakuntento ang isa pang netizen: “May pang-wagyu ay Birkin na naman ang mga nepo babies natin!”
May kunek ang mga komentong ‘yon sa lantarang pagpe-flex ng mga tinaguriang nepo babies ng kanilang marangyang buhay.
Higit lalo ang mga nasa posisyon at mga kawani ng pamahalaan na inuusig ng taumbayan dahil sa walang habas nilang pagnanakaw sa kabang-yaman ng gobyerno.
Sa kaso nga lang ni Dennis, idinaan niya ito sa sarkastiko pero nakakatawang paraan.
Samantala, isa rin ang actress-director na si Gina Alajar na napaulat na nagdalawang-isip bago magbayad ng kanyang tax kamakallan.
Gina admitted to have sought divine intervention for enlightenment. Ronnie Carrasco III