Manila, Philippines – Patuloy pa rin ang ingay ng issue tungkol sa kasal ng anak ni Dennis Padilla at Marjorie Barretto na si Claudia Barretto.
Mula sa post ni Dennis sa sariling Instagram account, sa pag-iwan nito ng komento sa IG post ni Julia Barretto, hanggang sa pagsagot nito sa komento ng netizens.
Padilla was actually protecting Claudia’s name. There was an IG comment which he responded to, saying “Awang-awa” ito sa anak, which people assumed as a confirmation that Claudia really wanted Dennis to be a part of her wedding but couldn’t do anything about it. Hmmm.
Kung noon ay hati ang reaksiyon ng netizens, this time, mukhang mas nakalalamang ang may galit o pagka-asar kay Dennis.
Here are some of the comments:
“Not invalidating you as a father. But, you cannot say you love your children when you continuously destroy them in public! The contradiction is sooo loud!” -@ann_bothered_chloe
“Nagtagumpay na po kayo dahil nakuha na ninyo simpatya ng mga tao. Marami ng hate comments na natatanggap ang anak mo na bagong kasal. Sana masaya kayo na sirang sira na anak mo sa panahon na kakasimula lang ng bagong yugto ng buhay niya.” – @sprinkled_fairydust
“Hindi na nakakatuwa! Dati awang awa ako sa inyo bilang tatay. Gusto kitang intindihiin pero di talaga. Ikaw lang yung tatay na gustong gusto mo mapahiya ang mga anak mo public.” – @iamidha26
Sandamkmak na bashing ang nakuha ni Dennis sa kanyang IG post pero may mga sumubok din na i-comfort ang comedian/actor like his brother Gene Padilla at ilang supporters na naiintindihan umano ang pinagdadaanan niya bilang ama.
Well, netizens are saying na ang laking gulo at kahihiyan nito para sa bagong kasal.
Ano nga ba ang motibo ni Dennis? Is he really just expressing his disappointment and sadness o gusto talagang agawin ang spotlight?
Just like what most people are saying, “Bakit kailangang idaan sa social media?”