MANILA, Philippines – Napanatili ni re-electionist Sen. Bong Go ang kanyang puwesto bilang nangungunang kandidato sa pagkasenador sa huling survey ngayong Marso ng Pulse Asia, inanunsyo kahapon.
Sinabi ng Pulse Asia na nakuha ni Go ang 61.9 porsiyenton ng mga botante para maging No.1 sa pinakahuling pre-election survey na isinagawa mula Marso 23 hanggang 29.
Si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na dating katabla si Go sa huling survey, ay dumulas sa ikalawang puwesto hanggang sa ikatlong puwesto sa nakuhang 51.1 porsiyento ng mga botante.
Nakatabla ni Tulfo sa ranking si Sen. Bato dela Rosa na may nakuhang 48.7 porsyento.
Ang iba pang posibleng manalo sa halalan sa pagkasenador sa Mayo 2025 ay kinabibilangan ng mga sumusunod.
• 4th place – Former Senate President Vicente Sotto III (44.2%)
• 5th to 10th places – Senator Pia Cayetano (37.5%)
• 5th to 11th places – Senator Ramon Revilla Jr. (36.9%)
• 5th to 11th places – Former Sen. Panfilo Lacson (36.0%)
• 5th to 12th places – Willie Revillame (35.7%)
• 5th to 12th places – Ben Tulfo (35.4%)
• 5th to 12th places – Makati Mayor Abby Binay (35.3%)
• 6th to 13th places – Senator Manuel Lapid (33.3%)
• 8th to 16th places – Former Senator Manny Pacquiao (32.0%)
• 11th to 17th places – Phillip Salvador (30.9%)
• 12th to 18th places – Las Piñas City Rep. Camille Villar (29.0%)
• 12th to 18th places – Former Sen. Bam Aquino (28.6%)
• 12th to 18th places – SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta (28.3%)
Ayon sa Pulse Asia, ang nationwide ay isinagawa randonly sa 2,400 Filipino adults na may margin of error na ±2 percent sa national level.
Ipinaliwanag ni Pulse Asia president Ronald Holmes ang ilan sa kanyang obserbasyon sa pinakabagong survey.
Binanggit ni Holmes na si Erwin Tulfo, dating frontrunner sa mga survey, ay patuloy na dumadanas ng pagbaba ng bilang na umabot sa humigit-kumulang 70 porsiyento.
“With respect to Erwin Tulfo, we’ve seen his numbers decline… The decline has been more than 15 percentage points, you don’t want that to decline any further closer to the elections… So for him it’s a question of arresting the decline in terms of the voting support,” sabi ni Holmes.
Sinabi ni Holmes na ang umaangat na ranking ni Dela Rosa ay dahil sa pagbaba ng bilang ng suporta sa mga kaalyado ng administrasyon.
“We saw basically about 6 people in the administration slate, who are still in contention, seeing their numbers decline,” aniya ukol kina Tulfo, Sotto, Revilla, Lapid, Pacquiao, at Villar.
Sinabi ni Holmes na ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng malaking epekto kaya nawawalan ng suporta ang mga “manok” ng administrasyon habang ang mga kandidatong suportado ni Duterte na sina Go, Dela Rosa, Salvador, at Marcoleta ay tumataas sa mga survey. RNT