Home ENTERTAINMENT Dennis, nag-‘paawa’ na naman!

Dennis, nag-‘paawa’ na naman!

Manila, Philippines – Marami ang dismayado sa ‘di na bagong gimmick ni Dennis Padilla to win public sympathy.

Isinabay pa kasi ng komedyante kung kallan aligaga ang anak na si Julia Barretto na i-push ang pelikula nito with Aga Muhlach.

Ang post kasi ni Dennis ay parang aping-aping ama who’s longing for his daughter’s attention.

Consider this: “Hi, Jul…’di ko na maalala kung kailan tayo huling nagkita. Anyway, good luck on your movie. More blessings to come!”

Dennis’ post is reminiscent ng mga karaniwang hanash niya noon towards his kids with Marjorie Barretto.

Ayon sa mga netizens, wrong timing daw si Dennis when he could have posted this earlier.

Nakikinita na ng mga netizens na kay Julia magba-backfire ang post na ‘yon.

Again, she’ll be perceived as a bad daughter to her father.

Bale ba, umaalingawngaw nga ang pakiusap ng aktres na: “Please give our movie a chance!”

Ikinaaliw din ni Julia na dati na rin palang nakasama ng kanyang ina si Aga.

Which means kahit nagkaedad na, keri pa rin ni Aga to be paired with much younger women.

Back to Dennis, bagama’t wala naman siyang sinabing masama sa kanyang post ay nakakaumay na raw ang “paawa effect” niya.

Worse, parang dedma lang naman ang kahit sino sa mga anak niya, short of saying: “Maglulupasay ka pa riyan for all we care!”

Ouch! Ronnie Carrasco III

Previous articleTiyahin todas sa pamamaril ng 2 pamangkin sa away sa lupa!
Next articleBuntis na miyembro ng NPA sumuko