Manila, Philippines- Unfair namang ibunton ang sisi kay Dennis Trillo just because patuloy na bumababa ang TV ratings ng Pulang Araw.
Ang katapat ng historial action drama na ito sa GMA ay ang Batang Quiapo sa ABS-CBN.
Nakaka-frustrate nga na hindi sumipa-sipa sa ratings ang PA.
Minsan na ngang “nagmakaawa” ang head writer nitong si Suzette Doctolero sa Facebook na kahit buksan man lang daw ang TV ay gawin ng mga netizens at huwag lang basta tangkilikin ito sa Netflix.
In fairness, ang apat na principal characters ng PA ay walang itulak-kabigin ang ipinamamalas na performance.
Pero pagdating daw kay Dennis who plays a Japanese officer ay iba na ang usapan.
Hindi raw gusto ng mga netizens ang seryosong akting ni Dennis.
As a consequence nga, hindi na makaalagwa ang PA sa BQ in terms of ratings.
Ang masaklap pa, nandamay pa raw ang PA.
Ang dating inaabangang Widows’ War ay single digit na lang kumpara sa mataas na ratings ng Lavender Fields.
Marami tuloy ang nagsasabing hindi umubra o flop ang promo slant ng GMA tungkol sa “giyera.”
Imagine nga naman, hindi manalu-nalo ang dalawang magkasunod na malalakas na teleserye para pataubin ang mga kalaban sa kabila.
Samantala, marami ang nanghihinayang sa sinapit ng mga teleseryeng kinabibilangan ni Bea Alonzo mula nang lumipat siya sa GMA.
Nakaka-“three in a row” na nga naman si Bea.
Nagsimula ‘yon sa Start-up nila ni Alden Richards na sinundan ng Love Before Sunrise nila ni Dennis at itong Widows’ War na pare-parehong inaalat sa ratings.