Home NATIONWIDE DENR inatasan sa 40M underserved population na walang access sa maayos na...

DENR inatasan sa 40M underserved population na walang access sa maayos na suplay ng tubig

MANILA, Philippines – INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kaugnay na ahensiya ng pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang 40 million underserved population na natuklasan na walang formal water supply.

Sa sectoral meeting hinggil sa water resources and management ng bansa, muling inulit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng integrated water resource masterplan at pangangasiwa ng water resources sa panahon ng El Niño at pagaanin ang pagbaha sa panahon naman ng La Niña.

Inatasan din ng Pangulo ang mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan na i-explore pa ang foreign funding para sa matutukoy na priority investment areas kapuwa sa local at international stakeholders.

Matatandaan na noong Abril ng nakaraang taon, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang executive order na lilikha ng Water Management Office ng DENR.

“In the mapping and inventory done by the DENR, they found that 20 million are served by MWSS, 22 million by water districts, 20 million by LGU-run utilities, 10 million by private water supply providers but 40 million are still underserved by formal water supply,” ayon sa ulat.

Ipinag-utos din ng Pangulo ang pagpapatuloy ng development ng National Irrigation Administration dams para sa multipurpose use at isama ang agricultural irrigation, fresh water supply, power supply at flood control. Kris Jose