Home ENTERTAINMENT Dental veneers ni Ms Grand Thailand 2026, nalaglag!

Dental veneers ni Ms Grand Thailand 2026, nalaglag!

154
0

Manila, Philippines – Muling nanariwa sa kamalayan ng Pinoy audience ang aksidenteng

sinapit ni Allan K sa Bulagaan segment noon ng Eat Bulaga ilang taon na ang nagdaan.

Nai-relate ‘yon ng ating mga kababayan sa insidente kung saan ‘di sinasadyang matanggal ang upper dentures ni Allan.

Ito’y habang kumakanta gamit ang pinahuhulaang scenic spot sa Pilipinas.

Palibhasa closeup, huling-huli sa camera ang pagkalaglag ng pustiso ni Allan K.

Hagalpakan sa tawa ang kanyang mga co-hosts sa Eat Bulaga–na pinangungunahan ni Bossing Vic Sotto.

That time ay buhay pa si Francis Magalona, at kabilang sa Dabarkads sina Jimmy Santos at Toni Rose Gayda.

Agad kinunek ang Allan K moment na ‘yon sa aspiring beauty titlist na si Kamolwan Chanago sa preliminary competition ng Miss Grand International 2026.

Ginanap ito sa MGI Hall sa Bangkok recently.

Chanago who represented Pathum Thani ay isa sa 77 kandidata.

Habang nag-i-intro, biglang natanggal ang kanyang dental veneers–na napigilan niyang malaglag.

Tumagilid lang si Chanago para ayusin ang pagkakalagay nito.

Pero poised pa din, parang Allan K lang din ang peg! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here