Home NATIONWIDE DepEd: 20,000 guro wanted

DepEd: 20,000 guro wanted

MANILA, Philippines – Magbubukas ang Department of Education (DepEd) ng 20,000 bagong teaching positions para sa School Year 2025–2026 matapos aprubahan ito ng Department of Budget and Management (DBM). Kabilang sa mga posisyong ito ang Teacher I, Special Needs Education Teacher (SNET), at Special Science Teacher I na ipapamahagi batay sa pangangailangan ng mga paaralan.

Pinakamalaking alokasyon ay para sa Region IV-A (2,655), Region III (2,152), at Region VII (1,774). Ayon kay Education Secretary Juan Edgardo Angara, layon ng hakbang na ito na mapabuti ang pagtuturo at mapagaan ang trabaho ng mga kasalukuyang guro.

Bumaba na rin ang bilang ng mga bakanteng posisyon mula 72,964 tungong 38,862, at umabot na sa 96.03% ang national filling rate. Para mapabilis ang hiring, direktang ipinadadala ng DBM ang mga dokumento sa Schools Division Offices.

Ang mga appointment ay ibabatay sa Registry of Qualified Applicants. Kabilang sa mas malawak na reporma ni Angara ang pagtaas ng annual teaching allowance sa ₱10,000, pagpapagaan ng workload, at pagpapalawak ng promotion opportunities. Santi Celario