MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 36-anyos na siklista sa Pasig City matapos mabangga ng SUV habang iniiwasan ang isang delivery van na ilegal na nakaparada sa bike lane sa Shaw Boulevard, Barangay Kapitolyo.
Bumukas bigla ang likurang pinto ng van habang dumadaan ang biktima, dahilan upang siya’y mawalan ng balanse at masalpok ng paparating na SUV.
Pauwi na sana sa Cainta, Rizal ang biktima galing sa trabaho.
Inaresto ang 40-anyos na driver ng SUV at ang 59-anyos na tsuper ng delivery van; parehong nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Ayon sa pamilya, dalawang araw ilalamay ang biktima sa Cainta bago dalhin sa Iloilo City.
Paalala ng mga awtoridad: huwag harangan ang bike lanes na nakalaan sa kaligtasan ng mga siklista. RNT