MANILA, Philippines – Inilunsad ng Scam Watch Pilipinas, katuwang ang Gogolook at PNP Anti-Cybercrime Group, ang Scam Vault Philippines—isang Facebook group kung saan maaaring i-report ng mga netizen ang mga online scam gaya ng AI at social media fraud.
Ayon kay co-founder Jocel De Guzman, layon ng platform na gawing mas madali ang pagre-report ng mga scam para mas mabilis ang aksyon ng mga awtoridad.
Ang PNP-ACG ay tututok sa group at makikipag-ugnayan sa Facebook para sa agarang pagtanggal ng mga mapanlinlang na post.
Gagamit rin ang Whoscall app ng AI para suriin ang mga ulat. Ani De Guzman, “Hindi lang tayo basta magre-report—dapat may aksyon.”
Mula Marso hanggang Hunyo 2025, nakatanggap ang Whoscall ng higit 20,000 ulat, kung saan 7,200 ay kinilalang scam calls. Santi Celario