Home NATIONWIDE DepEd: “All systems go” sa NSPC 2026

DepEd: “All systems go” sa NSPC 2026

140
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara noong Biyernes na “all systems go” na para sa 2026 National Schools Press Conference (NSPC).

Ang limang araw na national event na may temang “Mapanuri, Mapanindigan, at Mapanagutang Pamamahayag” ay gaganapin sa Ormoc City, Leyte mula Abril 13 hanggang 17.

Ayon kay Angara, mahalaga ang NSPC sa paghuhubog ng mga kabataang mamamahayag na magiging tagapagtanggol ng katotohanan sa hinaharap.

“Ang NSPC ay isang paghuhubog ng mga kabataang magiging tagapagtanggol ng katotohanan sa hinaharap,” aniya.

Dagdag niya, sa panahon ngayon na mabilis kumalat ang impormasyon, mas kailangan ang kabataang marunong magsuri at manindigan sa katotohanan.

“Sa panahon ngayon kung saan napakabilis kumalat ang impormasyon, mas mahalaga ang papel ng kabataang mamamahayag na marunong magsuri at manindigan sa katotohanan,” dagdag ni Angara.

Itinatampok ng NSPC ang papel ng mga paaralan at guro sa paggabay sa mga estudyante upang maging responsableng tagapaghatid ng impormasyon sa mas komplikadong media environment.

Lalahukan ito ng mga regional winners sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng writing, visual journalism, publishing, mobile, at broadcast categories.

Ayon sa DepEd, nagpatupad sila ng mga pagbabago tulad ng school paper contest na gagawing exhibition format.

Sa halip na isang national winner, ipapakita ang mga pinakamahusay na school publications mula sa bawat rehiyon upang mas marami ang makakita at matuto.

Limitado rin ang kalahok sa mga top regional qualifiers upang hindi maabala ang klase at mabawasan ang gastos, habang pinananatili ang prestihiyo ng national competition. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here