Home TOP STORIES Trump nagbabala sa Iran sa toll sa Strait of Hormuz; Japan maglalabas...

Trump nagbabala sa Iran sa toll sa Strait of Hormuz; Japan maglalabas ng emergency reserves

116
0

WASHINGTON, USA – Nagbabala si US President Donald Trump sa Tehran na huwag magpataw ng toll sa mga barkong dumadaan sa Strait of Hormuz, habang patuloy na lumalala ang pandaigdigang krisis sa enerhiya.

Sa kanyang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na may ulat umano na naniningil ang Iran sa mga tanker na dumadaan sa naturang kipot.

“There are reports that Iran is charging fees to tankers going through the Hormuz Strait,” ani Trump. “They better not be and, if they are, they better stop now.”

“‘That is not the agreement we have!’” dagdag pa niya.

Ayon sa ulat, ang digmaan sa Iran ay nagdulot ng pinsala sa produksyon ng enerhiya sa Gulf, pagkapit ng mga tanker sa daungan, at pagtaas ng presyo ng langis ng humigit-kumulang 50%, na nagdulot ng malubhang energy crisis sa buong mundo, lalo na sa Asia.

Kasabay nito, inanunsyo ng Japan na maglalabas ito ng karagdagang emergency oil reserves sa Mayo dahil sa epekto ng krisis. Ayon kay Prime Minister Sanae Takaichi, aabot ito sa 20 araw na suplay.

Ayon sa Japan, lubos silang umaasa sa Gulf para sa humigit-kumulang 95% ng kanilang langis, kaya naapektuhan sila ng sitwasyon sa Strait of Hormuz.

Samantala, sinabi rin ng mga ulat na ang Saudi Arabia at iba pang Gulf producers ay naapektuhan ang kanilang oil production at shipping routes dahil sa tensyon sa rehiyon.

Ayon sa mga ulat sa merkado, bahagyang tumaas ang presyo ng Brent crude at US oil futures dahil sa patuloy na alalahanin sa supply.

Patuloy namang inaayos ng ilang bansa ang kanilang oil supply routes habang nananatiling kritikal ang sitwasyon sa Strait of Hormuz. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here