Home NATIONWIDE DepEd district supervisor itinumba sa Zambo Sibugay

DepEd district supervisor itinumba sa Zambo Sibugay

116
0

MANILA, Philippines – Patay sa pamamaril ang district supervisor ng Department of Education (DepEd) ng hindi pa tukoy na suspek sa Alicia, Zamboanga Sibugay nitong Huwebes ng gabi, Abril 30.

Ang biktima ay kinilalang si Rey Dalaota Camaingking, 45, residente ng Nesoricom Village, Barangay Magdaup, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Nangyari ang insidente 7:35 ng gabi sa Sitio Guicam, Barangay Dawa-Dawa, Alicia.

Naabutan ng mga rumespondeng pulis si Camaingking na nakahandusay at duguan mula sa tama ng bala ng baril sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na si Camaingking ay naglalakad patungo sa kanyang motorsiklo sa Guicam Port, pauwi ng bahay mula sa trabaho, nang lapitan ito ng dalawang lalaki at malapitang pinaputukan gamit ang .45 kalibreng pistola.

Agad na tumakas ang mga gunman sakay ng itim na Honda XRM motorcycle, patungo sa Barangay Kawayan, Alicia.

Hindi pa tukoy ang motibo sa likod ng pamamaril at naglunsad na rin ng manhunt operation sa ikaaaresto ng mga suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here