Home HOME BANNER STORY DepEd: June 8 pasukan, April 8 bakasyon sa ilalim ng 3-term calendar

DepEd: June 8 pasukan, April 8 bakasyon sa ilalim ng 3-term calendar

439
0

MANILA, Philippines — Inilabas ng Department of Education ang opisyal na school calendar para sa School Year 2026–2027, kung saan magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo 8, 2026 at magtatapos sa Abril 8, 2027.

Ayon sa kagawaran, pormal na ipatutupad ng bagong kalendaryo ang three-term structure sa basic education bilang bahagi ng reporma upang mapabuti ang pacing ng lessons at matugunan ang learning gaps.

Sa ilalim ng plano, magkakaroon ng 201 class days ang school year at hahatiin ito sa tatlong termino na may opening period, instructional phase, at end-of-term activities.

Ang unang termino ay mula Hunyo hanggang kalagitnaan ng Setyembre, kung saan magsisimula ang regular classes sa Hunyo 15. Ang ikalawang termino ay mula kalagitnaan ng Setyembre hanggang unang bahagi ng Disyembre bago ang holiday break.

Magbabalik ang klase sa Enero para sa ikatlong termino, na tatagal hanggang huling bahagi ng Marso, bago ang final assessments at closing activities sa unang bahagi ng Abril 2027.

Sinabi ng DepEd na layunin ng bagong sistema na mas pantayin ang learning periods habang nagbibigay ng sapat na panahon para sa assessment at recovery.

Bahagi rin umano ito ng mas malawak na reporma kabilang ang pagbabago sa assessment systems, streamlined lesson planning, at pagpapalawak ng learning recovery efforts gaya ng Academic Recovery and Accessible Learning Program.

Maaari ring magpatupad ng three-term structure ang mga pribadong paaralan basta susunod sa itinakdang bilang ng school days ng DepEd. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here