MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office na walang nanalo sa jackpot prizes ng major lotto draws nito noong Lunes ng gabi, Abril 20.
Walang tumama sa winning combination na 34-12-29-08-27-17 para sa Megalotto 6/45 kaya nanatiling hindi nakuha ang jackpot na P34,154,880.29.
Nanatili ring nakataya ang jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makahula sa numerong 33-36-17-40-22-45. Umabot ito sa P58,762,800.20.
Ayon sa PCSO, ginaganap ang draw ng Megalotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado naman ang Grand Lotto 6/55. RNT