Home NATIONWIDE DepEd sa mga estudyante: Graduation rites gawing pormal, ‘wag sayawan

DepEd sa mga estudyante: Graduation rites gawing pormal, ‘wag sayawan

MANILA, Philippines – Bagama’t malaya ang mga estudyante na makapagpahayag ng kanilang mga saloobin at sarili, sinabi ng Department of Education (DepEd) na dapat pa ring panatilihin ang ‘proper decorum’ sa mga pormal na seremonya katulad ng graduation rites.

Ito ay kasunod ng viral video kung saan makikita ang mga estudyante na sumasayaw sa stage matapos tanggapin ang kanilang diploma, na pinuna ng iba na hindi nararapat sa okasyon.

“They should be conducted in a solemn manner. So definitely ‘yung twerking or dancing upon the receipt of the diploma does not fall in the category of celebrating its solemnity,” pahayag ni DepEd Assistant Secretary for Operations Francis Bringas.

“In fact, kung dalawa o tatlo ang mga sumasayaw, they should be more sensitive that there are more parents that would want the ceremony to remain solemn,” dagdag pa niya.

Inaalam pa ng ahensya kung ang mga video ay kamakailan lamang o mula pa sa mga nagdaang graduation ceremomy ng paaralan.

Anang DepEd official, kinikilala nila na may internal policies ang mga pribadong paaralan sa pagsasagawa ng kanilang mga aktibidad, kung kaya’t ititigil na nila ang imbestigasyon sa sangkot na paaralan sa video.

Inabisuhan na lamang ng DepEd ang mga pampublikong paaralan na panatilihin ang pagiging pormal ng graduation ceremonies. RNT/JGC