Home NATIONWIDE Depinisyon ng ‘indigency’ palalawakin ng Senado para mas maraming benepisyo – Escudero

Depinisyon ng ‘indigency’ palalawakin ng Senado para mas maraming benepisyo – Escudero

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Francis “Chiz” Escudero na palawakin ang depinisyon ng “indigency” o pagiging dukha para mas maraming Pilipino ang makagamit ng mga serbisyo ng gobyerno.

Sa kanyang podcast na “Chiz Wiz! Usapang May Laman” nitong weekend, sinabi ni Escudero na masyadong makitid ang kasalukuyang pamantayan at hindi nito nakikita ang tunay na sitwasyon ng maraming pamilya.

Ayon kay Escudero, iisa lang ang gamit ngayon at kadalasan “indigent” ay miyembro ng 4Ps.

“Pero paano naman daw yung mga pamilyang hindi man “income-poor” pero hindi rin kayang bayaran ang pagpapagamot o gastusin sa korte?”

“Indigency, therefore, should also be defined by circumstance, and not just income,” aniya.

Napansin din ng mambabatas na walang nag-iisang depinisyon ng indigency sa gobyerno:

1. Barangay – sumusunod sa Local Government Code sa pag-issue ng Certificate of Indigency

2. PAO – naka-base sa metrics ng Philippine Statistics Authority

3. 4Ps – naka-base sa targeting system ng DSWD

Imbis na iisa lang, iminungkahi ni Escudero na magkaroon ng classification batay sa sitwasyon tulad ng iba’t-ibang klase ng indigency:

1. Cancer-indigent – pamilya na may miyembrong may malalang sakit tulad ng leukemia

2. Litigation-indigen” – hindi kayang bayaran ang ₱200,000 hanggang ₱500,000 para sa kaso tulad ng annulment

Giit pa ng senador na kahit mga propesyonal tulad ng guro na kumikita ng higit sa minimum wage, maaaring maging “indigent” pa rin kung may biglaang malaking gastusin.

“Ano ba talaga ibig sabihin ng indigency? Meaning 4Ps ka ba? Ang problema kasi sa batas natin iisa lang ibig sabihin ng indigency. Pero para sa akin iba’t iba ang level ng indigency,” paliwanag ni Escudero.

“Kamukha rin nito magpa-file ka ng nullity of marriage, hindi naman ganon kadaling pulutin ‘yung P200,000 to P500,000 na panggastos diyan, di ba? So, litigation-indigent siya. Pag may nagkasakit sa pamilya mo, tulad ng cancer, cancer‑indigent ‘yung pamilya mo,” dagdag niya.

Posible ba ito?

Ayon sa bisita ni Escudero sa podcast na litigation lawyer na si Maggie Garduque, posible ang ganitong classification sa ilalim ng equal protection clause ng Konstitusyon.

Para kay Escudero, kailangang repasuhin na ang “one-size-fits-all” na patakaran para mas maraming Pilipino ang makatanggap ng tulong mula sa gobyerno. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here