Home HOME BANNER STORY Deployment ng US ng ballistic missiles sa Pilipinas, kinondena ng China

Deployment ng US ng ballistic missiles sa Pilipinas, kinondena ng China

MANILA, Philippines – Nagbabala ang China sa pagpapadala ng intermediate-range missiles sa Pilipinas sa pagsasabing isa itong banta sa regional security.

“The deployment is a move to turn back the wheel of history, and it gravely threatens regional countries’ security, undermines regional peace and stability,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokeswoman Mao Ning sa isang press briefing.

Ang mga aksyong ito ay labag umano sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.

“We urge relevant countries to listen to the call of countries in the region and step back from the wrong path as soon as possible,” dagdag pa niya.

Wala pang tugon ang US at Pilipinas sa isyung ito.

Sa kasalukuyang nasa bansa ang US land-based intermediate-range missile system na “Typhoon,” kung saan nagsasanay ang mga military sa operasyon nito at maintenance.

Inaasahang mananatili ito sa bansa hanggang Setyembre.

Ang mga missile na ito ay ipinadala ng US bilang bahagi ng “Balikatan 2024” noong Abril. RNT/JGC