Home ENTERTAINMENT Derek, minamalas; Pagbabalik-TV, naudlot pa!

Derek, minamalas; Pagbabalik-TV, naudlot pa!

193
0

Maila, Philippines – Inaalat nga ba si Derek Ramsay?

Hayun, just as we thought he was back for good dahil nga nakatakda siyang bumalik via the TV series The Kingdom ay naudlot pa!

Ito’y ayon sa tsika ni Ogie Diaz sa Showbiz Update.

Ani Ogie at mga kasama niya, shelved daw ang naturang proyekto dahil sa kakapusan sa budget.

A whopping P200M ang sinasabing cost of production ng The Kingdom sa ilalim ng direksyon ni Mike Tuviera.

Bale ba, super naghihigpit ng sinturon ang TV5 dahil sa inilabas nilang puhunan noong isang taon na hindi naman bumalik.

Dahil nga sa pagkaka-shelve ng serye kung kaya’t abut-abot ang panghihinayang ni Piolo Pascual.

Sa film version nito na MMFF entry noong 2024 ay kabilang din si Papa P sa cast alongside Bossing Vic Sotto.

Isyu pa rin kasi ang pagiging flop ng MMFF 2025 entry ng MediaQuest na Manila’s Finest–kung saan bida rin si Piolo.

Makabawi na kaya ang TV5 sa Secret in Prague starring Andrea Brillantes and Enrique Gil?

At ano kaya ang masasabi ni Ellen Adarna sa sinapit ng serye ni Derek? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here