Home NATIONWIDE Desisyon ng RTC vs Alice Guo sa pagiging Chinese national tanggap ng...

Desisyon ng RTC vs Alice Guo sa pagiging Chinese national tanggap ng Comelec

MANILA, Philippines – Tanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 34, na nagbigay ng instant quo warranto petition ng Office of the Solicitor General laban kay dating Bamban Mayor Alice Guo dahil sa pagiging Chinese national.

Sa ilalim ng petisyon, ang pagkakatalaga at buong termino bilang mayor ni Guo ay idineklarang walang bisa.

Sa desisyon na may petsang Hunyo 27, sa ilalim ni presiding Juge Liwliwa Bidalgo-Bucu, sinabi ng korte na ang Chinese citizen na si Guo Hua Ping at Alice Leal Guo ay parehong tao.

Ayon sa Comelec, nagawang tumakbo at manalo bilang mayor ng Bamban ni Guo dahil walang kumwestyon sa kanyang certificate of candidacy (COC).

Binigyang diin ni Garcia na ang tungkulin ng Comelec ay ministerial lang sa pagtanggap ng COC ng lahat ng kandidato.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Garcia na ang komisyon ay hindi maaaring kumilos nang mag-isa o maghain ng petisyon laban sa isang kandidato na may kuwestiyonableng pagkamamamayan.

Sa halip, tungkulin at responsibilidad ng sinumang rehistradong botante na maghain ng petisyon sa komisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden