Home NATIONWIDE Sa harap ni PBBM: Tess Lazaro, nanumpa bilang bagong DFA secretary

Sa harap ni PBBM: Tess Lazaro, nanumpa bilang bagong DFA secretary

MANILA, Philippines – PORMAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Maria Theresa “Tess” Lazaro bilang bagong Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Bukod dito, pinagkabalooban ni Pangulong Marcos si Lazaro ng Order of Sikatuna Grand Cross (DATU) dahil sa kanyang ‘strategic roles’ sa pagsusulong ng interest ng Pilipinas sa ‘critical foreign policies.’

Pinalitan ni Lazaro si Enrique Manalo, na itinalaga at ibinalik sa kanyang dating posisyon bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York.

Isang seasoned career diplomat, Lazaro, 66, pinlantsa ang landmark agreement sa Tsina sa pamamagitan ng isang provisional arrangement para sa paghahatid ng Pilipinas ng suplay sa mga puwersang pinoy sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) para maligilan na maulit ang nakaliaps na komprontasyon.

Siya rin ang pangalawang female career diplomat na itinalaga para pamunuan ang DFA matapos si Delia Domingo Albert noong 2003. Kris Jose