MANILA, Philippines – Naghain ng motion for reconsideration (MR) ang Workers’ and Peasants ‘ Party (WPP) na naglalayong ibasura ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagbasura naman sa petisyon para idiskwalipika ang nakakulong na televangelist na si Apollo Quiboloy sa pagtakbo sa May 2025 elections.
Sinabi ni WPP president at Labor leader Sonny Matula sa kanilang paghahain ng MR na ang kandidatura ni Quiboloy ay pangungutya sa electoral process dahil sa diumano’y desisyon ng Comelec ay naglalantad ng maliwanag na hindi pagkapare-pareho sa pagtrato sa mga kandidato.
Sinabi ni Matula na si Quiboloy, na nahaharap sa maraming kaso kabilang ang child sex trafficking, ay pinayagang tumakbong senador sa botohan sa susunod na taon habang si Sultan Subair Guinthium Mustapha, isang respetadong lider ng Muslim at isang opisyal na kandidato ng WPP, ay idineklara bilang isang nauisance candidate.
Hiniling din ng mga petitioner sa Comelec en banc na repasuhin ang resolusyon ng First Division, idiskwalipika si Quiboloy bilang isang nuisance candidate, at itugma ang mga procedural rules nito, at sinabing âtinitiyak nito na itinataguyod ng Comele ang mga prinsipyo ng katarungan, pagiging makatwiran, at pagiging patas para sa lahat ng kandidato. “
Una nang ibinasura ng Comelec ang petisyon na humihiling na idiskwalipika si Quiboloy na sinabing
mayroong kakulangan ng ebidensya na ipinakita ng petitioner upang dapat na ideklara ang respondent bilang isang nuisance candidate .
Nauna nang sinabi ng Comelec na maaaring ideklarang independent senatorial bet si Quiboloy sa May 2025 elections matapos itong makatanggap ng dalawang set ng authorized signatories mula sa WPP, bawat isa ay mula sa mga kampo ng mga abogadong sina Mark Kristopher Tolentino at Ariel Joseph Arias.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)