Home NATIONWIDE Destab claim ni Trillianes binira ng mambabatas

Destab claim ni Trillianes binira ng mambabatas

MANILA, Philippines – Tinuring ni Zambales Rep. Jay Khonghun na pagpapakalat lang ng tsismis ang naging pahayag ni dating Sen Antonio “Sonny” Trillanes IV na may matatatas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nagre-recuit para sa paglulunsad ng destabilization plot laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Apela ni Khonghun, na huwag na idamay ang mga militar at pulis lalo at mismong ang liderato nito ang nagtiyak na walang destab plot laban sa administrasyon

“So, napaka-unfair naman duon sa mga heneral na sinasabi niya ‘no, na nasasangkot na naman ang ating military, ang ating PNP,” pahayag ni Khonghun.

“Sana ‘wag na lang nating idinadamay,, kasi napaka-importanteng sangay ng ating pamahalaan ang AFP at ating PNP, sila yung nagpapatupad ng ating batas. Sana ‘wag na lang idamay sa mga marites na ganito, lalong lalo na kung wala namang ebidensya,” dagdag pa niya. Gail Mendoza