Home ENTERTAINMENT Detalye ng Gov. Daniel at Kim link up, inilabas na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Detalye ng Gov. Daniel at Kim link up, inilabas na!May 28, 2025 14:271290 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – P2.6M SUV at P1M allowance.Ito raw so far ang ine-enjoy na perks ni Kim Rodriguez sa sinasabing nobyo niya ngayon na si Bulacan Governor Daniel Fernando.Lalo pang tumibay ang usap-usapang magdyowa nga sila dahil sa viral photo sa social media.Makikitang nakaakbay ang aktor-pulitiko kay Kim na may hawak namang bouquet of flowers.Bale ba, makikita sa likod ang may ribbon pang brandnew SUV na balitang iniregalo ni Dan kay Kim.Ibinisto naman ng isang netizen ang governor, quoting his source na isang Konsehal sa nasabing lalawigan.Ang pinangalanang Councilor ang umano’y itinuturong matchmaker o “bugaw” ng mga babae kay Dan.Galing umano ang halaga ng ibinibigay na perks ni Dan kay Kim mula sa confidential fund ng Kapitolyo.Kada pagkikita raw nina Kim at Dan ay tumataginting na P1M ang umano’y pinakakawalan ni Gov bilang regular allowance ng aktres.Nakapagtataka nga lang na halos walang hate comments patungkol sa rebelasyong ito.Manapa’y bumilib pa nga ang karamihang netizens sa pag-aalagang ginagawa ni Dan sa mga nagugustuhang babae.Kung matatandaan, noong isang taon ay tinawag ng manager ni Kim na si Ogie Diaz ang atensyon nito tungkol sa pagkakaugnay kay Marc Pingris.Si Marc ang asawa ni Danica Sotto.Itinanggi naman ni Kim na may namamagitan sa kanila ni Marc.Eh, ngayon kaya with Bulacan Gov. Dan–confirmed? Ronnie Carrasco III