Home NATIONWIDE DFA nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng 2 Pinoy na namatay sa...

DFA nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng 2 Pinoy na namatay sa missile attack sa Yemen

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng dalawang Filipino crew member na napatay sa missile strike ng Houthi rebel group sa Yemen.

Ang dalawa ay sakay ng civilian bulk carrier vessel na True Confidence, na naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden.

“Ang Department of Foreign Affairs ay nagpapahayag ng taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng dalawang (2) Filipino crew members ng civilian bulk carrier True Confidence, na naging paksa ng pag-atake ng missile mula sa mga rebeldeng Houthi sa Yemen,” sabi ng DFA.

Bukod sa dalawa, may 14 pang Pinoy sa barko. Tatlo sa kanila ang nagtamo ng malubhang pinsala at ginagamot sa Djibouti.

Dagdag pa ng DFA, magpapadala sila ng team sa Djibouti para tulungan ang mga Filipino seafarers. RNT

Previous articlePBBM SA PAG-IBIG FUND, “ESTATISTIKA  GAWING TOTOONG BAHAY”
Next articleGAB Chairman Clarin nanguna sa MMA seminar-workshop